Mula sa pagiging on screen love team at real-life couple, ngayon ay partners na rin sa negosyo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Dumalo ang fans sa pagbubukas ng unang business partnership ng dalawa na isang hair salon. Kasosyo rin ng KathNiel sa naturang negosyo ang kanilang mga magulang, na gumagabay sa kanilang mga investments. Para kay DJ, walang pressure at masaya sila na makasama sa kanilang venture ang mga taong pinagkakatiwalaan nila.
Bukod naman sa kanilang bagong business, naghahanda na rin ang KathNiel para sa kanilang pagbabalik-tambalan sa isang proyekto sa ABS-CBN. Bagama’t wala pang detalye tungkol sa naturang project, magsisimula ang taping nito sa unang bahagi ng susunod na taon.