Mapapanood na sa Facebook at YouTube ang web series na “Cong Tour” o “Congressional Tour.” Ito ay ang vlog ng mga kongresista kung saan pinapakita ang tourism offerings ng Lipa at Batangas City. Host nito si Representative Sol Aragones kasama sina Deputy Speaker Vilma Santos-Recto at Congressman Marvey Marino. Sa isang episode, ginawa pa nina Representative Sol at Speaker Vilma ang isang iconic scene ng ‘Star for All Seasons’ sa pelikulang “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?”