Dinepensahan ni Coleen Garcia si Billy Crawford matapos sagutin ng kanyang mister ang isang basher na nagsabing malungkot ang aktres sa kanyang buhay may- asawa. Ayon kay Coleen, malaki na rin ang pinagbago ni Billy mula nang tigilan nito ang bisyong alak.
Sa kanyang muling pagbabalik sa showbiz, ang unang proyekto ni Coleen ay ang pelikulang “Mia” na ipalalabas sa unang bahagi ng 2020. Tiniyak ni Coleen na may blessing ni Billy ang kanyang role na isang alchoholic na doktor.
Sinamantala na rin ni Coleen na bigyang-linaw ang patutsada ng isang netizen tungkol sa pagsasama nila ng asawa. Kwento ng aktres, “Kasi hindi naman talaga totoo, and we don’t want people to believe that.” Para kay Coleen, walang ginawang masama si Billy sa pagsagot sa naturang basher para mabigyang linaw ang issue.
Nilinaw din ni Coleen Garcia na wala silang tampuhan o away ng aktres at dating kasamahan sa It’s Showtime na si Anne Curtis. Alam din ni Coleen na may naglalabasang issue sa pagitan nila pero depensa niya, wala itong katotohanan. Ayon pa kay Coleen, maayos ang relasyon nila ni Anne at sa ngayon ay abala siya sa pag-promote ng kanyang bagong pelikula.