Nilinaw ni Coleen Garcia-Crawford na wala silang tampuhan o away ng aktres at dating kasamahan sa It’s Showtime na si Anne Curtis.
Alam din daw ni Coleen na may naglalabasang issue sa pagitan nila pero ayon sa kanya ay wala itong katotohanan. Pahayag ni Coleen na maayos ang relasyon nila ni Anne at sa ngayon ay abala siya sa pag-promote ng kanyang bagong pelikula.
Bibida si Coleen sa pelikulang “Mia” at mapapanood na ito sa mga sinehan simula January 15.