Nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nagdaang linggo, ang FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin. Pero imbes na mag-party ay pinili niyang makasama ang ilang batang may sakit sa Philippine Children’s Medical Center.
Nakiisa naman kay Coco ang co-stars niya sa hit teleserye sina John Pratts, Mark Lapid, Raymart Santiago, Arron Villaflor at iba pa. Napasaya ang mga bata sa mga regalo, pagkain, magic tricks, at iba pang treats mula sa birthday celebrant.
Tinungo ng grupo ni Coco ang Philippine Children’s Medical Center matapos ang kanilang Batangas trip. Nakasama pa nila dito ang ilang miyembro ng Scoot Manila.
Isa sa mga bumati sa birthday celebrant ay ang matagal nang nauugnay sa kanya na si Julia Montes. Sa Instagram, nag-post si Julia ng photo ni Coco na may simpleng caption na “HBD,” na may kasamang kiss at birthday cake emoji.