Sa kabila ng matinding taping schedule, hindi nagpaawat ang cast ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na magbigay-oras para sa isang maikling bakasyon.
Sa Instagram ng bidang si Coco Martin, ibinahagi niya ang larawan na nasa isang speedboat, kasama ang sina Michael de Mesa, John Prats, Raymart Santiago, at iba pa. Hindi rin pinalagpas ng cast ang tumalon sa dagat para lumangoy.
Patuloy parin na namamayagpag sa primetime ang FPJ’s Ang Probinsyano. Sa ngayon nasa ikaapat na taon na ang teleserye at umabot na sa mahigit 1000 episodes.