Tila naubusan na ng pasensya si Coco Martin matapos sagutin ang isang tao na wala umanong ginawa kundi ang pagpiyestahan ang personal niyang buhay.
Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Coco na ang hindi niya pagkibo at hindi niya pagpatol sa mga bagay ay hindi kaduwagan.
"Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi ikauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan, may kanya-kanya tayong buhay at tayo ang may desisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sa 'yo kung sino ka man, hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!,” ani Coco.
Hindi pinangalanan ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano kung para kanino ang kanyang mensahe.
Dagdag niya, nagtatrabaho siya nang marangal at tahimik gaya ng itinuro sa kanya ng kanyang lola.
Payo naman ng aktor, mas magandang humanap na lamang ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para may maiambag sa bayan.
"Nagtatrabaho lang ako at meron din akong pribadong buhay, 'wag naman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan n’yo dahil hindi interesado ang buhay ko. Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan!” ani pa ng aktor.
READ: Coco Martin, nagiwan ng mensahe para sa mga tsismosa
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv