Masaya si Coco Martin na sa wakas ay nahanap na ni Vice Ganda ang taong magmamahal sa kanya.
Matatandaan na inamin na ni Vice sa interview na isang taon na ang relasyon nila ni Ion Perez. Ikinuwento pa ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na minsan siyang naging protective sa love life ng kaibigan at ayon sa aktor ay kampante siya kay Ion dahil sa mga naririnig niyang magagandang kwento tungkol sa pagiging mabuting tao nito.
Dalawang beses nang nagkasama sa pelikula sina Vice at Coco. Una noong 2015 para sa Metro Manila Film Festival entry na “Beauty and the Bestie” at sa “Super Parental Guardians” noon namang 2016.
At ngayong 2019 Metro Manila Film Festival, makakasama naman ng Unkabogable Star ang It’s Showtime co-host na si Anne Curtis sa pelikulang “The Mall, The Merrier.”