Sa kanyang Instagram post, pinuri ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin ang mga pagbabago sa Maynila. Ikinatuwa rin ni Coco na maayos na ang lungsod ngayon, lalo pa’t marami nang ilaw sa mga puno at malinis na rin ang paligid. Nagpasalamat din si Coco sa lokal na pamahalaan ng Maynila lalo na kay Mayor Isko Moreno para sa mga pinatupad na pagbabago.
Ngayong paparating na Metro Manila Film Festival 2019 ay mapapanood na ang movie entry ni Coco na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon.” Kasama niya sa naturang proyekto sina Jennylyn Mercado at Ai-ai delas Alas. Magkakaroon din ng cameo appearance si Mayor Isko sa naturang pelikula.