Ipinasilip ng ilang Kapamilya stars ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.
Sa ulat ni Ganiel Krishnan, time out muna si FPJ’s Ang Probinsyano star Coco Martin sa trabaho para ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya. Kwento niya, “Magpapahinga lang, babawi sa kanila. Hindi siguro ako aalis ng bansa para magpahinga o magbakasyon kasi after Christmas, December 26, back to work ulit kami.”
Pamilya din ang focus ng “Mindanao” star na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Sa kanyang social media account, nag-sample pa si Juday ng pagluluto. Nabanggit niya na “[I will] spend time with my whole family. It is something that I really look forward to every Christmas kasi buong taon busy kaming lahat magkakapatid, hindi kami nagkikita-kita.”
Samantala, patuloy pa rin sa pagtatrabaho ang “Miracle in Cell No. 7” stars na sina Aga Muhlach at Bela Padilla. Kakayod pa rin ang dalawa para sa promotion ng kanilang pelikula. Pahapyaw na sinabi ni Bela na “ako manonood ako ng Miracle in Cell No. 7.” Para naman kay Aga, “I guess lahat kami ganun na rin, manonood talaga ng pelikula with the family.”
Kasama naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kani-kanilang pamilya na magkasalo sa Noche Buena, habang lumipad patungo sa Los Angeles si Liza Soberano at Enrique Gil kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Nag-Pasko naman si London si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, habang si Mis Universe 2018 Catriona Gray naman ay nasa Australia para makasama ang pamilya. Lumipad naman papuntang Canada ang The Killer Bride star na si Maja Salvador. Samantala, may kanya-kanya ding family time ang It’s Showtime hosts. Mas pinili naman ni Angel Locsin na magbigay ng tulong ngayong Pasko. Kwento ng Kapamilya actress, “lahat naman ng plano ko, walang nakakaaalam so ime-maintain ko ganun lang talaga.”