Spotted sa Iligan City sa Mindanao ang international singers na sina Clint at Bob Moffatt. Nasa bansa ang dalawa para sa kanilang “Music, Travel, Love” tour.
Sa video na ipinost online, makikita ang magkapatid na nagpe-perform sa kalsada habang pinapanood ng mga taga-Iligan.
Kasama rin bilang miyembro ng Canadian pop-rock band na The Moffatts ang dalawa pang kapatid nina Clint at Bob na sina Scott at Dave. Nakilala ang banda noong 90s na pinasikat ang mga kantang “If Life Is So Short,” “Misery,” “I’ll Be There For You,” at iba pa.
Huling napanood ang The Moffats sa Pilipinas noong September 2018.