Iba’t ibang celebrities ang sasalubong sa bagong taon na may blessing na isang baby.
Naging makulay ang 2019 sa kabi-kabilang announcements ng pregnancy at panganganak ng mga showbiz personalities. August nang mag-reveal ng pagbubuntis ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. November naman nang mag-announce ang kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff at asawa nitong si Anne Curtis na may paparating na silang anghel.
Mayo 2019 nang pinag-usapan ang announcement ni Mariel Rodriguez-Padilla ng pangalawa niyang anak kay Robin Padilla at naisilang na nitong Nobyembre. Buwan naman ng Agosto nang magsabi si Kylie Padilla na muli siyang nagdadalang-tao, at nagsilang naman nitong December.
Pinag-usapan din ang pagiging mommy ng veteran journalist at Rated K host ba si Korina Sanchez-Roxas sa kambal nila ni Mar Roxas na sina Pepe at Pilar. Proud parents na rin sina Dani Barretto at asawang si Savi Panlilio.
Mommy na rin si Gwen Zamora sa kanyang anak na si Cooper. Trending din ang announcement ng singer-comedienne na si Ethel Booba sa It’s Showtime na anim na buwan na siyang buntis.
Naging second time mommies naman sina Marian Rivera sa pagsilang kay Zeke, at Andy Eigenmann kay Lilo. Ikalawang pagbubuntis na rin ni Georgina Wilson sa kanyang baby. Kasama rin sa pregnant list sina Sab Magalona at Rica Peralejo.