May kanya-kanyang pamamaraan na rin ang mga celebrities upang makaiwas sa Novel Corona Virus Acute Respiratory Disease (ARD).
Dahil sa paglaganap ng NCoV ARD, na-move ang shooting ng pelikula nina Coco Martin at Angelica Panganiban na “Love or Money,” na kukunan pa sana ibang bansa.
Pero the show must go on para kay Maja Salvador na itinuloy pa rin ang meet-and-greet sa kanyang fans. Kwento niya, “Katulad nito mall shows, hindi natin maiiwasan eh dahil ang pangit naman magpe-perform ako sa harapan n’yo na naka-mask and ano, pero after, ‘yun lang alchohol and ‘pag nakauwi na agad mag-shower kaagad.”
Si Janice de Belen naman, umiral ang pagiging nanay at sinabing “Mask as a prevention. Mask is one’s way of defending yourself, or ang feeling na me if I’m not wearing a mask, I might not be protecting myself. But really what comes in the place in all of these is hygiene.”
Ang recording artist naman na si LA Santos, alerto rin sa kanyang face mask bagama’t itinuloy ang kanyang concert na hindi ito suot. Maging sa mga local pageants tulad ng 2020 Mutia Ti La Union, isa sa mga naging paksa ng question and answer portion ang 2019 NCoV.