Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na mapapasama siya sa prestihiyosong wax museum na Madame Tussauds. Si Catriona ang pangalawang Pinay beauty queen na magkakaroon ng wax figure dito pagkatapos ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Para sa kanya, “it’s kind of freaky in a way to think that there’s going to be wax figure na mukha ko! But it’s very, very flattering.”
Nitong January 6 (Lunes), kulitan agad ang bungad ng It’s Showtime family kay Catriona na guest co-host nila ngayong linggo. Nagpakitang-gilas din ang beauty queen sa pagkanta at pagsayaw. Thankful din si Catriona na nakapag-celebrate siya ng kanyang birthday week sa hit noontime show.
WATCH: Catriona Gray finds hosting gig “fun and amazing”
Ayon kay Catriona, “Sobrang masaya. It’s a really amazing way for me to spend time with the fans and with madlang people for my birthday.”
Pinangunahan ni Catriona ang pinaka bagong segment ng It’s Showtime na Mini Ms U. Para kay Catriona, “’Yung mga bata sobrang cute talaga. And just to see them really performing very well on stage and having such high confidence.”