Nagsagawa ng charity work si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Brazil. Isa sa nabiyayaan ng tulong ay ang organisasyon na ‘Smile Train.’ Nagbibigay ng libreng surgery ang naturang non-government organization sa mga batang may cleft palate o ‘bingot.’
Bukod dito, bumisita rin ang beauty queen sa ospital ng mga batang nakatanggap ng benepisyo ng libreng operasyon. Ikinatuwa ni Catriona na makitang nagbago ang buhay ng mga bata dahil sa tulong ng ‘Smile Train.’
Bagama’t wala pang pinal na anunsyo kung saan talaga gaganapin ang Miss Universe 2019, marami na ang nag-aabang sa pagpasa ni Catriona ng korona sa susunod na Miss Universe. Representative ng Pilipinas sa prestihiyosong international pageant si Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados.