Nagpaalam na sa New York si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sa isang Instagram post, sinabi ng Pinay beauty queen na hindi niya malilimutan ang isang taon na pamamalagi sa New York na headquarter ng Miss Universe Organization. Hiniling naman niya sa kanyang followers na samahan siya sa kanyang huling trip bilang Miss Universe, at ‘yan ay ang pag-welcome sa bagong Queen na papalit sa kanya.
Planado na ni Catriona ang gagawin pagkatapos ng kanyang reign. Kwento ng beauty queen, mas madalas na siyang makikita sa Pilipinas para sa iba’t ibang proyekto. Gusto rin niyang mag-focus sa music kaya naman bubuo siya ng mga benefit concerts at sasali sa mga community projects. Open din si Catriona na pumasok sa showbiz industry kung may opportunity.
Nakoronahan bilang Miss Universe si Catriona noong December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand. Samantala, live namanag mapapanood ang 2019 Miss Universe ngayong December 9 sa ABS-CBN at iWant.