May bagong makakasama ang It’s Showtime hosts, at ‘yan ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
First day ni Catriona sa hit noontime show nitong January 6 (Lunes) kaya inabangan ng maraming fans sa loob at labas ng pageant industry ang pag-welcome sa kanya sa programa. Ipinagdiwang din ni Catriona ang kanyang birthday kasama ang It’s Showtime family.
Kasabay ng pagdating ni Catriona sa It’s Showtime, inilunsad na rin ang mga bagong contests sa programa, ‘yan ay ang mga segments na Piling Lucky at Mini Ms. U. Sa Piling Lucky, mula sa isang daang madlang people ay may dalawampu na mapipili para maglaro at susubukan ang kanilang kapalaran para manalo ng PHP50,000. Ang Mini Miss U naman ay patimpalak para sa mga young, charming, at talented young beauty queens na may edad na 5-10 years old.