Sumabak sa na sa hosting nitong January 6 (Lunes) sa It’s Showtime si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Nagpakitang-gilas din ang beauty queen sa pagkanta at pagsayaw.
WATCH: Catriona Gray finds hosting gig “fun and amazing”
Mas lalong naging meaningful ang kanyang appearance dahil ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan kasama ang It’s Showtime family.
Kwento ni Catriona, “Sobrang masaya, of course it’s my birthday today and it’s a very special day for me so it’s really amazing way for me to spend time with the fans, with the madlang people for my birthday.” Aminado si Catriona na dahil co-host na siya ngayon ng isang local noontime show, kailangan niyang maging mas mahusay sa pagsasalita ng Filipino. Excited na rin si Catriona na maging host sa mga darating na araw, at mas makabonding pa ang madlang people.
Pinangunahan ni Catriona ang pinakabagong segment ng hit noontime show na Mini Miss U.
Kwento pa niya, “’Yung mga bata sobrang cute talaga. And just to see them really performing very well on stage and having such high confidence at that age, it’s really amazing to see.”