Tampok sa social media ang mga kantang inspired ng mga Miss Universe winners na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach.
Disyembre noong 2019 nang inilabas ang ‘Catriona’ song para sa Miss Universe 2018. Inawit at sinulat ito ng rapper-songwriter na si Matthaios. Feel good ang kanta na tungkol sa kung paano nakuha ng beauty queen ang puso ng mga tao sa mundo. Sa ngayon ay may 7 million views na ang official music video nito, kung saan tampok ang mga netizens na kumakanta at mismong si Catriona ay kasama rin sa mga kumakanta sa video.
Mayroon ding kanta na dedicated para naman kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. January 1 nang ilabas ang ‘Pia’ song na inawit naman nina Billy Malvito, Angelo Baylon Abraham, Cha Campaner, at Bry Verdon. English ang lyrics ng nasabing kanta. Sa ngayon ay marami na ring mga netizens ang gumagawa ng sarili nilang dance cover para sa naturang awit.