Lumabas ng gusali ng ABS-CBN ang cast ng inaabangang teleserye na Sino Ang Maysala? Mea Culpa matapos mangyari ang lindol kahapon (April 22).
Kabilang sa mga lumikas ay sina Ayen Laurel, Bela Padilla, Jodi Sta. Maria, Ketchup Eusebio, Tony Labrusca, Kit Thompson, at Ivana Alawi na dadalo sana sa advance screening ng teleserye sa main building ng ABS-CBN.
Pansamantalang natigil naman ang taping nina DJ Jai Ho at Toni Gonzaga kahapon para sa programang “Showbiz Pa More” ng Jeepney TV matapos nilang maramdaman ang lindol.
Bukod sa kanila, naglabasan din ng gusali ang mga empleyado’t bisita ng Kapamilya network.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv