Kinoronahan na nitong September 8 (Linggo) sa Mall of Asia Arena ang Mr. and Ms. Chinatown Philippines 2019.
Bago itinanghal ang mga nagwagi ay nagpakitang-gilas ang dalawampu’t apat na candidates ng Mr. and Ms. Chinatown Philippines 2019. Mula sa opening number, swimwear, at formal wear, pinili ang labing-apat para umabante sa final round, kung saan lumabas ang kanilang husay sa pagsagot sa question and answer portion. Ilang beses na binanggit ang “unity” sa sagot ng ilang kandidata at naging madalas din na paksa ng mga sagot ang bullying. Hindi rin nawawala ang mga standard questions tulad ng “Who inspires you?” at “What would you choose: Love or career?”
Itinanghal na second runners-up sina Stephen Lim at Lorraine Cho. First runners-up naman sina Jeremiah Thomas at Feline Young. Samantalang Mr. And Ms. Chinatown Philippines 2019 sina Jonah Chantong at Nina Lee.