Nagsimula na ang botohan para sa pagpili ng Top 20 candidates ng Miss Universe 2019.
Para makaboto, kailangang pumunta sa website ng Miss Universe na vote.missuniverse.com. Isang beses lang pwede bumoto kada araw. Kailangan lang i-click ang green star sa larawan ng piniling kandidata. Todo-todo na ang panawagan para sa malakihang suporta para kay Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados. Magtatapos ang voting period sa December 6, dalawang araw bago ang coronation night.
November 26 nang ilabas sa social media ang official list of cadidates ng Miss Universe. Nangunguna sa reactions ang litrato ng pambato ng Pilipinas na si Gazini, na umani na ng mahigit 300k reactions. Sinundan siya ni Miss Thailand Paweensuda Drouin na may mahigit 200k reactions, at si Miss Mexico Sofia Aragon na may mahigit 50k reactions.
Bago lumipad papuntang USA, sumabak muna sa question and answer workshop ang Cebuana beauty na si Gazini kay King of Talk Boy Abunda. Dumaan muna ang beauty queen sa programang The Bottomline kung saan ilang pageant correspondents ang nagbato ng tanong sa kanya. Nagpasalamat naman ang beauty queen para sa pointers na nakuha sa naturang workshop.
Mula sa Atlanta, Georgia, USA, live na mapapanood sa ABS-CBN at iWant sa December 9 ang prestihiyosong Miss Universe 2019.