Sanib puwersa sa isang pictorial ang ilang kilalang female personalities gaya ng mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, Kim Chiu, at iba pa. Kasama rin sina Maja Salvador, Lovi Poe, Julia Barretto, Sarah Lahbati, at Megan Young. Naging viral agad ang photo na gagamitin bilang cover ng isang lifestyle magazine. Todo-papuri ang mga fans para sa kani-kanilang bet at pinag-usapan pa kung sino ang may pinakamalakas ang dating sa larawan.
Ayon sa Metro Magazine, ang pagsasama ng tatlumpung female stars mula sa showbiz industry ay para sa kanilang 30th anniversary edition. Ang naturang proyekto ay maituturing na grand homecoming ng mga celebrities na naging cover girl ng kanilang magazine sa loob ng tatlong dekada. Mayroong tatlong iba’t ibang cover ang anniversary issue, at dito nakagrupo ang mga cover girls depende sa dekada ng kanilang paglabas sa cover. Gaya ng batch nina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, KC Concepcion, Iza Calzado, Toni Gonzaga, Anne Curtis, Maricar Reyes, Heart Evangelista, Erich Gonzalees at Alma Concepcion na naging cover girls mula 1999 hangang 2009.
Vanguards naman ang turing sa mga pioneers o ‘yung mga naging lead cover mula 1989 hanggang 1998. Kasama diyan sina Angel Aquino, Dawn Zulueta, Tweetie de Leon, Judy Ann Santos-Agoncillo, Claudine Barretto, Lucy Torres-Gomez, Charlene Gonzales, Mikee Cojuanco, at iba pa.
Kwento ng editorial team ng Metro.style, ang tatlumpung cover girls ang sumisimbolo sa pagiging maganda, matibay, at matapang ng mga babae. Sila ay naging inspirasyon sa mga Pilipina sa loob ng tatlumpung taon.