Lead role agad ang gagampanan ni It’s Showtime Bidaman Grand Winner Jin Macapagal para sa kanyang unang pelikula.
Bibida si Jin sa pelikulang “Damaso” ng Reality Entertainment. Isa itong reimagination ng classic novels ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod kay Jin na gaganap nilang Crisostomo Ibarra, kabilang sa all-star cast sina Ejay Falcon bilang Elias, at Vina Morales bilang Sisa.
Kwento ni Jin, kabilang sa mga pinaghandaan niya ay ang malalalim na gamit ng salitang Filipino na mahalaga sa kwento. Naging hamon ito para kay Jin na isang Cebuano, lalo na’t mas sanay siya sa Bisaya at English kaysa sa Tagalog.
Gayunman, masaya siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya dahil malaking karangalan ang gumanap bilang ang karakter ni Crisostomo Ibarra. Umaasa rin siya na tatangkilikin ng mga Pilipino ang kanilang pelikula lalo na ng mga kabataan.