Nagpasalamat si Baron Geisler sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Coco Martin na mapabilang sa top hit na teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Bagong kontrabida ngayon sa teleserye ngayon si Baron at ginagampanan niya ang karakter ni Dante na gustong maghiganti kay Ricardo Dalisay.
Kwento ni Baron, personal siyang nilapitan ni Coco para sa role at nangakong tutulungan siya pero kailangan daw niyang makisama nang maayos sa cast at staff ng teleserye.
Nagpasalamat din si Baron dahil pagkakataon na raw niyang makaipong muli ng pera lalo’t may plano na siyang magpakasal.
Masaya rin ang aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga manonood ng nasabing hit teleserye sa Primetime.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv