Matapos magpaalam sa teleseryeng FPJ‘sAng Probinsyano, isang bagong project ang ibinigay sa aktor na si Baron Geisler.
Inanunsyo ang pagkapili kay Baron bilang isa sa mga bida ng pelikulang ‘Tililing’ ni Direk Darryl Yap. Ang naturang pelikula ay tungkol sa mga taong may problema sa pag-iisip. Kwento ni Baron, maaari siyang humugot ng inspirasyon sa kanyang kontrobersyal na nakaraan. Makakasama ni Baron sa proyektong ito sina Gina Pareno, Donnalyn Bartolome, Cai Cortez, Chad Kinis, at Candy Pangilinan.
Bukod sa sunud-sunod na proyekto, good news din para sa aktor na si Baron na “baby girl” ang magiging panganay nila ng asawang si Jamie Marie Evangelista. Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding nitong September 2019.