Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ni Barbie Imperial tungkol sa ka-loveteam at dating nakarelasyon na si JM De Guzman
Sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda, inamin ni Barbie na si JM ang tinutukoy pala niya sa kanyang post na “One a liar, always a liar.”
WATCH ON TWBA: Barbie, matapang na inaming si JM ang tinutukoy niyang “liar” sa kanyang tweet
Paglilinaw ni Barbie, walang kinalaman sa trabaho ang kanilang naging hiwalayan ng aktor ngunit totoo ang sinabi ni JM na hindi niya pinaasa si Barbie.
Natuto na raw si Barbie sa pinagdaanan nila ni JM at aniya, dapat buo ang loob ng isang tao bago pumasok sa isang relasyon.
Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang aktres kay JM na nakasama niya sa teleseryeng Araw Gabi.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv