May mga bagong shows na aabangan sa Kapamilya network, kabilang na ang pagbabalik-tambalan ng MayWard.
Sisimulan na nina Maymay Entrata at Edward Barber ang taping na kanilang seryeng Heart to Heart. Kwento ni Maymay, “Magtataping [na kami], ngayon pong Valentine’s Day.” Ipinaliwanag na rin ng aktres ang statement niya kung saan nadulas siya sa iWant ASAP tungkol sa real score nila ni Edward. Pahayag niya, “ibig sabihin nung ‘kami’ is okay kami. Hindi ‘yun ibig na kami na kami... I stuttered only.” Nang tanungin kung sila na ba, tanging sagot ni Maymay ay “best friends forever.”