Bibisita rin ang ilang international singers sa bansa ngayong parating na taon. Kabilang dito si Tony Hadley ng Spandau Ballet sa February 19. Dadayo rin sa bansa ang American Alternative bands na Green Day, Jimmy Eat World, at Slipknot sa March. Magdaraos din ng concert sa Pilipinas ang American singer-songwriter na si Khalid sa April 2, at ang Canadian singer na si Avril Lavigne sa May 20. Treat din para sa K-pop fans ang pabisita ng aktor na si Kim Yung Soo, at ng boybands na Winner at Seventeen.
Kasado na rin ang mga inaabangang concert nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Popstar Royalty Sarah Geronimo para sa “Unified” concert sa February 14 at 15, 2020. Parehong sinabi ng dalawa na masaya sila sa pagsasamahang concert.
May mga bagong tambalan ding mapapanood sa big screen ngayong 2020. Kasama rito ay sina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual na bibida sa “Fluffy and Fream.” Ang nabanggit na pelikula ang directorial debut ni Alessandra na siya ring sumulang ng script. Kwento ng award-winning actress, “hindi ko naisip ever na mangyayari siya, pero lahat naman ng nangyari sa buhay ko, never kong inisip eh. Parang alam mo ‘yun, ibinibigay lang talaga siya sa akin.”
First time din magtatambal nina Coco Martin at Angelica Panganiban sa romantic drama na “Love or Money.” Pahapyaw ni Coco, “Pinaghahandaan talaga namin kasi ito. Sabi nga namin susubukan namin na mahabol ‘to for Valentines.”
May kinakasa na rin na bagong pelikula para kay Metro Manila Film Festival 2019 Best Actress Judy Ann Santos-Agoncillo. Wala pang ibang detalye pero sinabing isang biopic ang pagbibidahan ng Starla star.
Balik-pelikula rin si Angel Locsin, pero ayon sa kanya, kailangan magdahan-dahan lamang siya dahil naghahanda pa umano siya para sa kasal nila ng film producer na si Neil Arce.