Nagkaroon ng injury ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid habang nasa recording studio ng ASAP Natin ‘To.
Sa kanyang Instagram, kinuwento ni Regine na tinanggal niya ang kanyang headset pero dahil sa pagmamadali ay tumama ito sa kanyang nose bridge. Hindi niya ito masyadong ininda pero napansin na lang niya na nagkapasa ang bahagi na tinamaan ng headset noong nag-retouch na siya ng kanyang make-up.
Akala pa niya noong una ay napasobra lang ang kanyang noseline, pero nang hawakan ay medyo masakit na ito at nangingitim. Sa kabila nito ay nakuha pa ni Regine na magbiro at sinabing kasama ang mata sa tinamaan kaya eyebag lang umano ang nakikita ng fans.
Bukod sa pagkanta, balik pag-arte na rin si Regine sa 2019 CinemaOne Originals entry na “Yours Truly, Shirley.” Tungkol isa isang biyuda na nagkagusto sa isang mas batang pop star.