Bumida sa Golden Globe Awards ngayong 2020 ang mga Asian talents at filmmakers.
Naging makasaysayan ang pagkamit ni Aquafina ng Best Comedy Actress award para sa Chinese American movie na “‘The Farewell.” Siya ang kauna-unahang Asian actress na nakakuha ng karangalan na ito. Best Foreign Language Film naman ang South Korean film na “Parasite,” sa direksyon ni Bong Joon-ho.
Ilang Pinoy ang present sa 77th Golden Globe Awards kung saan pinarangalan ang mga pinakamahuhusay sa pelkula at telebisyon. Kabilang sa mga nominees ang Pinoy na composer ng “Let It Go” na si Bobby Lopez at asawang si Christen Anderson Lopez. Kabilang naman sa mga naimbitahan sa Golden Globe ang Pinoy direktor na si Raymond Ribay Gutierrez. Isa siya sa napili ng Hollywood Foreign Press at Film Independent para sa isang intensive filmmaking program sa Hollywood. Pagbabahagi niya, “You have to pay attention to what your intention is really is.”