Matinding action scenes at set pieces ang inaasahan sa pelikulang “Terminator: Dark Fate.”
Sa ulat ni MJ Felipe, reunited dito ang mga orihinal na bidang sina Arnold Schwarzenegger at Linda Hamilton. Kinuwento nina Arnold at Linda kung gaano kahalaga para sa kanila na bumalik sa “Terminator: Dark Fate,” lalo pa’t involved dito bilang producer ang orihinal na direktor na si James Cameron.
Nilabas ang unang ‘Terminator’ movie noong 1984 kung saan gumanap si Arnold bilang ang machine na T-800 at si Linda Hamilton bilang si Sarah Connor. Aminado si Arnold na na-miss niya ang paggawa ng pelikula na pansamantala niyang iniwan nang maging governor ng State of California.