Ibinida ni Arjo Atayde ang kanyang abs sa cover ng isang magazine. Mababasa rito ang tungkol sa kanyang calling sa pag-arte. Unang bahagi ng taon nang ilabas sa iWant ang crime thriller na “Bagman,” kung saan bida si Arjo. Sa ngayon ay ipalalabas na rin sa iWant ang season 2 ng naturang online series.
Huling napanood si Arjo sa teleseryeng The General’s Daughter na nagtapos nitong Oktubre. Umani ng papuri si Arjo sa pagganap bilan si Elai. Nakasama niya sa naturang hit serye sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Eula Valdez, Albert Martinez, Tirso Cruz III at Janice de Belen.