Goal ng Kapamilya actress na si Arci Munoz na salubungin ang bagong taon sa iba’t ibang destinasyon. Naging New Year destination ni Arci ang New York, USA para salubungin ang taong 2020.
Inupload pa niya ang masaya niyang salubong sa bagong taon sa kanyang Instagram at may caption pa ito na “Best way to start my year!! Told myself that I’ll try to spend New Years in different countries. Started last year in the middle of the ocean (Cruise ship). And since it’s also my dream to experience New year in the Big Apple, the timing could’ve been more perfect cos ‘twas with my boys (BTS) and posty!! By far the most exciting new year of my life! Haha.”
Nitong Nobyembre ay hindi napipigilan ni Arci ang kanyang pagiging “Army” o fan ng K-pop group na BTS. Pumunta ito sa Japan para sa event ng kanyang paboritong K-pop group. Pinakita pa niya sa Instagram ang kanyang mga stuffed dolls ng mga miyembro ng BTS.
Huling pelikula niya ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 entry na “Open” kung saan nakatambal niya si JC Santos. Patuloy na napapanood ng mga Kapamilya si Arci sa afternoon family drama na Pamilya Ko sa ABS-CBN. Kasama niya rito sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, JM de Guzman, Irma Adlawan, Rosanna Roces, at iba pa.