Natupad ng aktres na si Arci Munoz ang pangarap niya na makapunta sa anim na Disney Land theme parks sa buong mundo.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Arci ang litrato ng iba’t ibang Disney Land theme parks na kanyang binisita. Pinakahuling napuntahan ng aktres ang branch sa Shanghai, China. Ayon sa caption ng uploaded photo, "Once upon a time, there was a little princess who only dreams of going to all the Disneyland in the world . . . Believe in the magic! Dreams do come true."
Nabista na rin ni Arci ang Disney Land theme parks sa Florida, California, Paris, Tokyo, Orlando, at sa Hongkong.
Napapanood si Arci bilang si Betty sa afternoon teleserye na Pamilya Ko. Bida rin sa teleseryeng ito sina JM de Guzman, Joey Marquez, Sylvia Sanchez, Irma Adlawan at marami pang iba.