May treat ang Kapamilya actress na si Arci Munoz sa mga kapwa niya ‘Army’ o fan ng BTS.
Plano ng aktres na magsama ng isang lucky fan sa susunod niyang trip sa South Korea. Sa ngayon ay wala pang update kung paano mapipili ang maswerteng maisasama sa Korea pero sinabi ni Arci sa kanyang Instagram na “for my birthday this year I decided to do a major giveaway! I will be bringing 1 lucky PH Army with me on my next BTS trip!! Letcha know how to join soon!!”
Nitong Nobyembre ay pumunta ang Pamilya Ko star sa Japan para sa event ng kanyang paboritong K-pop group. Ipinakita pa niya sa Instagram ang kanyang mga stuffed dolls ng mga miyembro ng BTS.