Sa September 13 (Biyernes), aarangkada na ang sampung entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
Isa sa mga ipalalabas ay ang pelikulang “Open” kung saan bida sina Arci Munoz at JC Santos. Present sa premiere night na ginanap nitong September 9 (Lunes) sina Arci at JC at ang director na si Andoy Ranay.
Ayon kay Arci na gumaganap na Rome, may tema ang movie na “how to value your [present] relationship with someone who you fell in love with.” Dagdag pa ng Pamilya Ko star “Kailangan na you cherish each other, you find other ways to solve your problems.” Para naman kay JC na si Ethan, dahil sa kanilang pelikula ay nagkaroon siya ng realizations na “Ano ‘yung importance ng proper communication, lalo na sa loob ng relasyon. Kung paano mo siya na-assure, kung nag-uusap ba kayo nang maayos, kung nagiging honest ka pa ba sa partner mo.”