Ipinagdiwang ng Umagang Kay Ganda host at Kapamilya news anchor na si Anthony “Ka Tunying” Taberna ang 14th ‘metsary’ nila ng kanyang asawa na si Rossel.
Kwento ni Ka Tunying, mismong misis niya ang nag-imbento ng katagang ‘metsary’ para i-celebrate ang una nilang pagkikita. November 11 nang unang magkita ang mag-asawa sa isang convenience store. Sa kanilang metsary ay binalikan ng dalawa ang mga alaala ng una nilang pagkikita sa pamamagitan ng isang date.