Proud na ipinasilip ni Anne Curtis ang kanyang baby bump habang nagbabakasyon sa Australia. Hindi naitago ng mommy-to-be ang excitement na masilayan ang panganay na isang baby girl. Inaasahang manganganak si Anne sa March 2020. Bago lumipad pa-Australia ay nagdiwang ng Pasko sa Pilipinas ang TV host-actress kasama ang asawang si Erwan Heussaff.
December 23 nang pansamantalang magpaalam sa It’s Showtime si Anne para tutukan ang pagbubuntis. Kwento ng “The Mall, The Merrier” star, “Sabi ko nga napaka-bittersweet ng episode na ito kasi siyempre imagine 10 years, every day ginagawa ko ‘to. Pero siyempre new chapter, at siyempre kailangan din mag-concentrate kay baby.”
WATCH: Anne, nagging emosyonal sa farewell performance niya sa It’s Showtime
Bumuhos din ang emosyon nang magbigay ng payo at mensahe ang kanyang mga co-hosts, kabilang na ang director ng hit noontime show na si Bobet Vidanes. Mensahe ni Direk Bobet, “Happy ako siyempre you’re a mom now. Can I have a personal advice lang? You enjoy your baby.”
Sigurado naman ang kaibigan ni Anne na si Vice Ganda na “The baby is gonna be perfect. And pinakasimple ko na lang na ipagdadasal ay ‘yung pinaka-normal at pinaka-safe na panganganak mo.”