Nag-post ng mga litrato ang It’s Showtime host na si Anne Curtis na nakasuot ng bikini habang nasa beach ng Lisbon, Portugal.
Pasilip ito sa pelikula nilang “Just A Stranger” na pagsasamahan nila ni Marco Gumabao. Sesentro ang kwento sa isang babaeng na-inlove sa lalakeng mas bata sa kanya.
Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng pelikula na siya ring nag-direk ng pelikulang “Between Maybes” nina Gerald Anderson at Julia Barretto na ipapalabas sa mga sinehan sa May 15.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv