Dream come true para sa Kapamilya actress na si Anne Curtis ang makita sa personal ang ultimate crush niyang si Gong Yoo.
Very vocal si Anne sa admiration niya para sa Korean actor. Lumipad pa siya papunta sa South Korea noong nakaraang taon para umattend sa fan meet ni Gong Yoo pero hindi siya nagkaroon ng chance na magpa-picture sa idolo.
At nitong October 30, muling nagtagpo ang landas nina Anne at Gong Yoo sa isang event sa Seoul. Sa pagkakataong ito, nagawa nang lumapit ni Anne para makasama sa picture ang Korean idol.
Taong 2017 nang mapanood ng mga Pinoy si Gong Yoo sa Korean fantasy drama na Goblin na ipinalabas sa ABS-CBN. Memorable din ang kanyang lead role sa zombie apocalypse film na “Train to Busan.”