Sa ulat ni MJ Felipe, kanya-kanyang paandar ang mga artistang dumalo sa event na inorganisa ng anak ni Annabelle Rama at Eddie Gutierrez na si Raymond Gutierrez. Tema ng naturang event ang ‘Opulence,’ sunod sa estilo ng historical figure na si Marie Antoinette.
Nagbigay-kulay naman sa event na ito ang pagdalo ni Annabelle na kakatapos lang mag-celebrate ng kanyang birthday.
Nang mainterview ng press sa naturang event, nagbigay ng mensahe si Annabelle kay Gretchen Barretto. Ayon kay Annabelle, “Sana manahimik ka na, ‘Day. Tutal mayaman ka na, i-enjoy mo ang kayamanan mo. I-enjoy mo na ang pera mo. Huwag na tayo mag-away away pa. Peace, of course.”
Ilan sa mga artistang dumalo sa ‘Opulence’ Halloween event ay sina Coleen Garcia, Yassi Pressman, Ruffa Guttierrez, Dennis Laurel, Yza Calzado, Isabelle Daza, Marco Gumabao, Will Dasovich, Maxine Medina, Ariella Arida, Solenn Heusaff, Georgina Wilson, Lou Yanong, Andre Brouillette, Richard Guttierez, Sarah Lahbati, Angel Locsin, Neil Arce at iba pa.