Kung swerte siya sa contest, buwenas din sa love life ang singer-comedienne na si Ethel Booba. Inspirasyon niya sa ngayon ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar, na isang executive chef sa Boracay. Sa loob ng dalawang taon nilang relasyon, todo-suporta si Jesse sa girlfriend, at ngayon nga ay si Jessie na rin ang manager ni Ethel.
Unang nagkakilala sina Ethel at Jessie noong 2017, sa isang party sa Boracay. Kinabukasan, inimbita ni Jessie si Ethel na mag-dinner at doon sila mas nagkakilala. Sa ngayon, masaya si Ethel sa nararanasang pag-aalaga at proteksyon ng kanyang boyfriend, kabilang na rito ang pagluluto ni Jessie para sa kanya. Kapag walang raket sa Metro Manila, pumupunta sa Boracay si Ethel para makasama si Jessie. Kuwento ni Ethel, noon ay tutol ang kanyang ina sa relationship nila ni Jessie, dahil may anak ang executive chef sa dating relasyon. Pero dahil sa pagmamahal, ipinaglaban ni Ethel ang kanyang boyfriend at sa huli, love wins. Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Jessie na tinanggap siya ni Ethel sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak.
WINNING MOMENTS: Ethel Booba hailed as TNT Celebrity Edition Grand Champion
Kamakailan lang ay hinirang na kampeon ng celebrity edition ng Tawag ng Tanghalan si Ethel. Nang sumunod na linggo, inanunsyo niya sa It’s Showtime ang isa pang mas malaking blessing, at ito ay ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ni Jessie. Anim na buwan na siyang nagdadalang-tao at masayang-masaya siya dahil dito.
WATCH: Ethel Booba announces her pregnancy on It’s Showtime