Nag-celebrate ng kanyang 5th wedding anniversary sa asawang si Carlo Castillo ang Umagang Kay Ganda host na si Amy Perez. Ibinahagi ni Tyang Amy sa social media ang kanilang wedding photo at nilagyan pa niya ito ng caption na, “5 years ago I couldn’t imagine you in my life, and now I cannot imagine you not being there in my life.”
Bukod sa UKG ay patuloy na napapanood si Tyang Amy sa top-rating afternoon variety show na It’s Showtime.