Excited ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa pagdating ng kanilang baby number 2.
Sa ulat ni Jeff Fernando, nagdadalang-tao man, hindi naawat si Kylie na samahan ang kanyang mister na si Aljur sa ABS-CBN Ball 2019. Ibinahagi ni Kylie sa interview ang ilang detalye ng kanyang muling pagbubuntis kung saan December daw ang kanyang kabuwanan.
Pag-amin nila, plano pa nilang sundan ang kanilang mga anak. Pabiro namang sinabi ng dalawa na gusto nilang magkaroon ng anim na anak. Two years old na ngayon ang panganay nilang si Alas Joaquin.
Dobleng-saya rin ang nararamdaman ni Kylie para sa mister, na magbabalik-telebisyon para sa teleseryeng Sandugo, kung saan makakasama niya sina Ejay Falcon, Cherry Pie Picache, Vina Morales, Ariel Rivera at Gardo Verzosa.