Nagulat ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad na top-trending topic siya matapos ang kanyang interview sa Tonight with Boy Abunda nitong October 22 (Martes).
Sa ulat ni Mario Dumaual, naging paksa sa TWBA interview ang Instagram post ni Nash Aguas kung saan sinabi niyang patuloy niyang minahal si Mika dela Cruz kahit pa limang taon silang nagkahiwalay. Kwento ni Alexa, sa loob ng limang taon na iyon, naging malapit sila ni Nash sa isa’t isa na umabot pa sa mutual understanding ang kanilang pagtitinginan. Sinabi ni Alexa na kung may mga nakikisimpatiya sa kanyang hugot, may mga fans din si Nash na inaaway siya.
WATCH: Alexa on Nash and Mika’s relationship: “I wanna exclude myself from them”
Pero nilinaw ni Alexa na wala siyang sama ng loob sa aktor at gusto niyang tapusin na lang ang anumang issue sa pagitan nila. Giit pa ni Alexa, hindi siya ang secret girlfriend ng The Killer Bride co-star na si Joshua Garcia.