Nag-tour sa capital city ng Pilipinas ang vlogger-actress na si Alex Gonzaga.
At sa kanyang vlog entry, nakasama ni Alex ang punong-bayan ng Maynila na si “Yorme” Isko Moreno. Isa sa mga binisita nila ay ang historic na Mehan Garden sa Ermita.
Sabay pang kumain ang dalawa kung saan pabirong sinabi ni Alex na isang hamon ang ibibigay nito para malaman kung maselan sa pagkain ang Manila Mayor.