May revelation ang singer, vlogger at aktres na si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang naging performance sa Himig Handog 2019.
Kwento ni Alex, live na nag-backup vocals ang ate niyang si Toni Gonzaga sa performance niya ng ‘Please Lang.’ Pinatotohanan ito ni Alex nang i-post niya ang video kung saan patagong nagbaback-up si Toni sa kanya. Nilagyan pa niya ito ng caption na “Find a sister who will do backup vocals for you behind the scenes.”
Ayon kay Toni, sinadya niyang hindi magpakita para kay Alex lang mapunta ang lahat ng atensyon ng mga manonood.
Ang ‘Please Lang’ ay isinulat ni Michael Angelo Aplacador. Hinirang ito bilang 3rd Best Song sa nakaraang Himig Handog competition, na ginanap noong October 13 sa ASAP Natin ‘To.