Sa ulat ni Jeff Fernando, magkahalong saya at pag-aalala ang naramdaman ni Aga sa pagdalo niya sa premiere night ng bago niyang pelikula na “Nuuk,” kung saan kasama niya ang aktres na si Alice Dixson. Masaya siya dahil kasabay ito ng 18th birthday ng kambal na anak na sina Atasha at Andres, pero may kaba rin siyang nararamdaman dahil kasalukuyang nasa ospital ang misis niyang si Charlene Gonzales.
Sa ngayon, kuntento si Aga sa kanyang movie career pero pinag-iisipan niya kung papasukin na rin niya ang mundo ng teleserye. Pabiro pang sinabi ng aktor na gusto niyang subukan na magkaroon ng special role sa FPJ’s Ang Probinsyano.