Sumabak na sa shooting ang aktor na si Aga Muhlach para sa Philippine remake ng Korean movie na “Miracle in Cell Number 7.” Sa social media ay nag-viral ang ilang behind the scenes ng kanilang shooting. Kinunan ang mga eksena sa isang courthouse at isang kulungan.
Ang “Miracle in Cell Number 7” ay kasama sa official line-up ng Metro Manila Film Festival 2019 na ipalalabas sa December.
Huling napanood sa pinilakang tabing si Aga noong 2018 nang magtambal sila ni Bea Alonzo sa “First Love.”